Usapang kabit (confessions of a mistress) Nagkakamaling puso wag sanang maparusa, Di sinasadyang mahulog sa may asawa. Naghihinaing damdamin walang mapuntahan, Sa aking piling hirap at saya ang naranasan. Babae man may karapatan, Di man ito mapakinggan. Sa paglalambi’t pagsumikap, Ako sana’y lubos na matanggap. Sana’y malimot ang bigkis ng iyong ngiti, Dala ng panahong dumadaang unti-unti. Di man sa ngayon, di man bukas, Basta’t mabura hangga’t makupas. Mapait na kahapon, mapait na panahon, Pagiging isang babae’y isang sumpang nilamon. Bilisan, bilisan ang pagdating ng bukas, Isang buhay na bago, kahit sakit ay bakas. Sadyang huli na ang aking pagsisisi, Nasabi na lamang sa aking sarili. Sadyang sa panaginip na lamang, o kaya’y dadating, aking pinag-iisipan. Babae ako, nagmamahal, natutukso, Ngunit tandaan na ako’y natuto. Sa halip na mali ang ipagpatuloy, inisip ang dugong dumadaloy, Pwede itong umusbong at bumunga, Galling sa sadyang masamang sanga.
|